Sa Maynila, papayagang magdiwang ng Pasko sa Mendiola ang mga militanteng grupo na nagkakampo sa lugar.
Ayon kay Senior Superintendent Vicente Danao, hepe ng Manila Police District (MPD), hindi na muna nila papaalisin ang mga militante at sa halip ay susubukang makipagdayalogo sa mga ito.
Aabot sa isandaang militante ang nananatili sa Mendiola bago pa man gunitain ang Andres Bonifacio Day.
Tiniyak naman ng PNP na mahigpit ang kanilang seguridad kung saan naglagay na sila ng checkpoints para hindi malusutan ng NPA ngayong Kapaskuhan.
Facebook Comments