Manila, Philippines – Naghain ng mosyon si Senadora Leila de Lima para hilingin sa korte na payagan siyang makalaya pansamantala para dumalo sa impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay De Lima, nagpapasalamat siya kay Senate Pres. Koko Pimentel dahil sa pagkilala ng kanyang karapatan bilang senador.
Dagdag pa ng Senadora, nakasaad sa saligang batas na inaatasan siyang dumalo sa mga mahahalagang pagdinig.
Sa magiging botohan, 16 na boto mula sa 23 senador ang kailangan para desisyunan ang impeachment case ni Sereno.
Nakakulong si De Lima sa kampo krame dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
Facebook Comments