PAYAGAN | Online passport appointment sa mga kliyente ng mga accredited travel agency, hiniling

Manila, Philippines – Umapela ang mga accredited travel agency sa Department of Foreign Affairs (DFA) na payagan na silang muling makakuha ng mga passport appointment online para sa kanilang mga kliyente.

Giit ni Lerma Quiambao, presidente ng Central Luzon agents travel society, may bisa pa ang ibinigay na accreditation ng DFA at pinapayagan ng philippine passport act ang lisensyadong travel agent na maghain ng application para sa renewal ng passport.

Aniya, maliit na posyento lang ang isang libong slot ng mga travel agency kumpara sa 14,000 passport na pinoproseso ng DFA bawat araw kaya hindi sila dapat sisihin sa backlog.


Umaasa naman sila na makausap si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano hinggil sa isyu.

Facebook Comments