PAYAPA | 2018 Bar examinations, generally peaceful – NCRPO

16

Manila, Philippines – Naging mapayapa ang pagtatapos ng Bar examination ngayong taon.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, wala silang naitalang untoward incident habang isinasagawa ang apat na linggong pagsusulit.

Sabi naman ni Senior Superintendent Vicente Danao Jr., director ng Manila Police District (MPD), umabot sa 700 pulis ang ipinakalat nila sa nitong huling linggo ng examination.

Aniya, bagaman wala silang na-monitor na threat ay nagdagdag pa rin sila ng idineploy na mga pulis sa paligid ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Facebook Comments