Manila, Philippines – Mapayapa pa rin ang ginaganap na Barangay at Sangguniang Kabataan Election ngayong araw.
Ito ang huling monitoring ng Philippine National Police.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. John Bulalacao mayroong mga violent incidents na naitala sa ilang bahagi ng bansa pero sa malalaking lugar sa bansa ay naging mapayapa o walang naitalang karahasan.
Sinabi pa ni Bulalacao na sa ngayon ay may nagpapatuloy pang eleksyon kahit hanggang alas-3 ng hapon lang ang halalan.
May ilang lugar kasi aniya ay late nang nagsimula sa election dahil sa ilang mga problema.
Dahil dito nagpapatuloy ang monitoring ng 160,000 na pulis na ideneploy sa mga kaganapan may kinalaman sa election.
Facebook Comments