PAYAPA | Imahen ng Itim na Nazareno, naibalik sa Quiapo Church matapos ang 22 oras

Manila, Philippines – Matapos ang 22 oras, naibalik na rin sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo ang Itim na Nazareno.

Alas-2:59 ng umaga ng makapasok ang karosa ng Itim na Nazareno sa loob ng simbahan na sinabayan ng hiyawan ng milyon-milyong deboto sa loob at labas ng simbahan.

Naging pahirapan ang pagbalik ng Nazareno sa Quiapo Church na nagsisilbing tahanan nito.


Nagkaroon kasi ng bahagyang tensyon bago dumating ang andas nang magpumilit ang ilang mga deboto na may estantarte na makapasok sa Quiapo Church kahit na bawal.

Ang human wall na ginawa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines, nabuwag nang mga deboto, pero agad din namang naisaayos makalipas ang ilang minuto.

Batay sa kasaysayan ng pista ng paglilipat ng Poon, ito na ang isa sa pinakamapayapang prusisyon. Wala kasing casualties at major injuries na naitala.

Ayon sa pamunuan ng Manila Police District, aabot sa 6.3 Million na deboto ang pumunta sa Quiapo Church sa pagtatapos ng prusisyon. Mas malaki ang bilang na ito kumpara sa mahigit 5 Million na nakilahok noong nakaraang taon.

Matatandaang, 22 oras din ang itinagal bago naibalik sa Quiapo Church ang Nazareno sa nakalipas na Traslacion.

Facebook Comments