Aklan – Nananatiling ‘generally peaceful’ ang isla ng Boracay kasabay ng unang buwang shutdown nito.
Ayon kay Western Visayas Police Regional Director, Chief Superintendent Cesar Hawthorne Binag, naging mapayapa rin ang isla habang isinasagawa ang May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Napigilan ang pagtaas ng krimen dahil sa pinaigting na hakbang ng Metro Boracay Police Task Force at sa tulong na rin ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, stakeholders at ng komunidad.
Mula 96 na krimeng naitala noong April 26 hanggang May 25, 2017 bumagsak sa 11 krimen ang naitala sa kaparehas na panahon ngayong taon o 88.84% na pagbaba ng crime volume.
Facebook Comments