PAYAPA | Paggunita ng undas, walang security threat – ayon sa PNP

22

Manila, Philippines – Nanatiling payapa at walang namomonitor na anumang banta sa seguridad ang Philippine National Police kaugnay sa nakatakdang paggunita ng Undas o All saints day at All souls day sa November 1 at 2 nang taong kasalukuyan.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, hanggang kaninang umaga ay wala sila silang namomonitor na anumang banta sa para sa paggunita ng Undas.

Pero hindi aniya sila nagpapaka kampante dahil nagpapatuloy ang kanilang intelligence gathering upang hindi malusutan ng mga masasamang loob na ang layunin lang ay guluhin ang mga Pilipino sa paggunita ng Undas.

Nagpaalala naman ang PNP sa publiko lalo na sa mga tutungo sa sementeryo na magpapamisa at maghahanap ng pari ay makipag ugnayan sa mismong administrator ng sementeryo para hindi malusutan ng mga pekeng pari na aniya ay naglilipana sa panahon ng Undas.

Facebook Comments