PAYAPA | Paghahain ng COC sa buong bansa, generally peaceful – Comelec

Manila, Philippines – Naging mapayapa sa buong bansa ang naging paghahain ng Certificate of Candidacy o COC.

Ayon kay Commission on Election (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, wala silang nailatang anumang karahasan o kaguluhan kasabay ng COC filing sa buong bansa.

Matapos naman ang limang araw na paghahain ng COC sabi ni Guanzon na sisimulan na nila ang pagsala sa mga kwalipikadong kandidato para sa 2019 election.


Aniya, sa Disyembre 15 nakatakdang ilabas ang final list ng mga kwalipikadong tumakbo para sa 2019 election.

Habang sa Nobyembre 29 naman aniya ang deadline sa substitution ng political party.

Facebook Comments