Amerika – Naging matiwasay ang mga pagpupulong ng U.S officials sa North Korean delegation sa New York.
Ayon kay U.S President Donald Trump, inaasahang tutungo ng Washington ang delegasyon ng hilagang Korea para maibigay sa kanya ang sulat mula kay North Korean Leader Kim Jong-un.
Dagdag pa ni Trump na posibleng magkaroon pa ng higit isang pagpupulong sa mga opisyal ng North Korea para talakayin ang denuclearization.
Sakop ng North Korean denuclearization ang pagbubuwag ng missile and weapon systems.
Nabatid na nagpulong sina U.S Secretary of State Mike Pompeo at North Korean Senior Official Kim Yong Chol para pag-usapan ang nakatakdang summit sa pagitan ni Trump at ng North Korean Leader.
Facebook Comments