Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Commission on Elections (COMELEC) na naging generally peaceful at successful ang isinagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kahapon.
Sabi ni COMELEC Commissioner Sheriff Abas, bukod sa Northern Samar ay nakuha na nila ang mga election return sa buong bansa.
Ibinida naman ni COMELEC OIC Al Parreño na naging 100 percent operational ang lahat ng mga presinto.
Aniya, nagbukas kasi ang lahat ng 177,574 polling precincts ngayong 2018 Barangay at SK Elections kahit na may ilang lugar na na-delay ang pagbubukas ng presinto.
Sa panig ng naman Department of Health (DOH), mahigit apat na libong pasyente ang kanilang naasistehan pero wala silang naitalang major health event.
Sabi naman ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Colonel Edgard Arevalo, bukod sa mga pagsabog na naitala sa Maguindanao generally peaceful nilang maituturing ang naging eleksyon.