Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) na naging mapayapa ang pagsasagawa ng unang araw ng Simbang Gabi.
Matatandaang aabot sa 7,800 na pulis ang ipinakalat lalo na sa mga matataong lugar gaya ng public markets, malls, simbahan, airports at public transport ngayong yuletide season.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – pinaigting ang police visibility at pinalawak pa ang patrol operations para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng publiko.
Sa ilalim ng ‘Oplan Ligtas Kapaskuhan 2018’, layunin nitong mabawasan ang mga krimen na madalas talamak ngayong Kapaskuhan.
Facebook Comments