PAYAYABUNGIN | Information campaign kontra sa HIV-Aids, palalakasin pa ng DOH

Manila, Philippines* – *Palalakasin pa ng Dept. of Health (DOH) ang mga hakbang nito kontra sa paglaganap ng HIV-Aids.

Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III – inihahanda na nila ang ‘large-scale battle’ laban sa HIV-Aids.

Tututukan aniya ang pinaka-‘root cause’ nito – ito ay ang kakulangan ng kaalaman tungkol sa sakit.


Aminado ang kalihim – na mabilis ang pagtaas bilang ng mga Pilipinong may HIV-Aids.

Aniya, ang Pilipinas din ang may pinakamataas na porsyento ng pagtaas ng mga bagong kaso ng HIV sa asya at Pacific Region mula 2010 hanggang 2016.

Sa ilalim ng kampanya, inilunsad ng DOH ang ‘lhive free’ para mapalawak pa ang information campaign tungkol sa HIV-Aids at isinusulong din ang safe sex.

Facebook Comments