Hinihintay ng mga alkalde ng National Capital Region (NCR) ang payo ng Department of Health (DOH) at mga medical experts ukol sa pagpapahintulot sa mga bata na lumabas ng kanilang bahay.
Ito ay sa harap ng banta ng COVID-19 Delta Variant.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos, ang Metro Manila Council (MMC) ay nagpasyang pakinggan muna ang rekomendasyon ng mga eksperto at ng DOH.
Nakatakda silang magpulong mamayang hapon.
Pagkatapos ng pulong, magko-convene ang MMC para bumuo ng pinal na desisyon kung sususpindehin ang polisiyang nagpapahintulot sa mga batang edad limang taong gulang pataas na lumabas ng kanilang bahay.
Bago ito, inaprubahan ng MMC ang resolusyong humihiling sa local government units (LGUs) na magtalaga ng child-friendly zones.