Payo ng DOTR sa magkarelasyon: Dapat ang focus ng driver ay sa kalsada, hindi sa katabi

472

Muling nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) sa social media na maging maingat sa pagmamaneho at dapat nakatuon ang pansin sa lansangan.

“Pasintabi lang po, Ma’am and Sir. Ayaw po namin maging KJ at makasira sa lambingan moments ninyo. We understand you love each other. PERO, LOVE DIN PO NAMIN KAYO, AND WE WANT YOU TO BE SAFE,” mensaheng isinulat ng ahensiya sa official Facebook page.


“Dahil diyan, nais po namin kayong paalalahanan na…. Okay lang maglambingan, basta nasa ligtas na lugar, pagkakataon at pamamaraan.”

Sa bidyong pinost ng DOTr mula sa Facebook page ng Carbrazzer.tv, makikitang naghaharutan at naglalambingan ang mga magkasintahan habang nagmamaneho.

“TANDAAN: Kapag nagmamaneho, ang focus dapat ng driver ay sa kalsada, hindi sa katabi niya,” dagdag pa ng DOTr.

Nagbigay rin ang pamunuan ng malupit pero makabuluhang banat para sa mga motorista.

“Minsan, mas okay na bumitaw sa nobya, ‘wag lang sa manibela. No bitter feelings. Just pag-ibig.”

Ayon sa DOTR, inireport nila sa Land Transportation Office (LTO) ang mga bidyong nakalap upang maimbestigahan at bigyan ng nararapat na aksyon.

Samantala, sarkatiskong biro ang naging tugon ng Carbrazzer.tv Facebook page kaugnay ng umano’y kontrobersiyal na video.

“Congrats mga bitter successful ang pag tag niyo sa DOTR at LTO hahaha.”

Sa ngayon, wala pang nilalabas na pahayag ang LTO ukol sa viral video.

Facebook Comments

From Advertisers