Payo ng DTI na mag-adjust ng “diet” ang mga Pilipino, pinalagan ng isang kongresista

Pinalagan ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang payo ni Department of Trade and Industry o DTI Sec. Alfredo Pascual sa mamamayan na mag-adjust ng diet sa harap ng tumataas na presyo ng bigas.

Para kay Castro, matinding “insensitivity” ang pinakikita ng naturang payo ng DTI habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ay bigo pa rin na tuparin ang pangakong ibaba sa 20 pesos kada kilo ang presyo ng bigas.

Paliwanag ni Castro, may rason bakit nagkakanin palagi ang mga manggagawa at magsasaka dahil kailangan nila ng maraming enerhiya sa hirap ng kanilang mga trabaho.


Giit ni Castro sa Marcos Jr. administration, pagsumikapan na tuparin ang mga pangako nito noong panahon ng kampanya sa halip na ipasa sa mga Pilipino ang hirap na dulot ng kawalan nito ng kakayahan.

Facebook Comments