Hihingi ng payo ang pamahalaan sa Vaccine Experts Panel (VEP) hinggil sa efficacy o bisa ng candidate vaccine ng Chinese manufacturer na Sinovac.
Ito ay matapos lumabas sa pag-aaral ng Britanya na mayroon lamang itong 50.4% efficacy rate.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., mahalagang hintayin ang anunsyo ng VEP hinggil dito.
Mahalaga aniyang mayroong scientific data at evaluations na isinagawa ng iba’t ibang regulatory authorities.
Dinipensahan din ni Galvez ang pagbili ng pamahalaan ng Sinovac dahil ginagamit na rin ito ng China at ng iba pang bansa.
Ang Food and Drug Administration (FDA) ay nakatakdang maglabas ng Emergency Use Authorization (EUA) para sa Sinovac bago ang February 20 kasabay ng inaasahang pagdating ng unang 50,000 doses ng bakuna nito sa susunod na buwan.
Kabuuang 25 million doses ng Sinovac vaccines ang darating sa bansa ngayong taon.