Payo ni Dennis Padilla kay Gerald Anderson: Sagutin mo naman ‘yung text ko

733
Images from IG/Julia Barretto and Star Magic FB page

Isiniwalat ni Dennis Padilla sa programang “Tonight With Boy Abunda” nitong Miyerkules na kinausap niya si Gerald Anderson sa kainitan ng isyung kinasasangkutan ng anak na si Julia Barretto hinggil sa hiwalayan ng aktor at ni Bea Alonzo.

Bagaman hindi ikinuwento ni Padilla kung anong napagusapan nila ni Anderson, inamin niyang nauna siyang makipag-ugnayan sa katambal ng anak sa pelikulang “Between Maybes”.


“’Yung nilalaman ng paguusap namin, hindi ko pwedeng ibahagi. Pero ang totoo dun, ako ‘yung nag-text. Sabi ko, ‘Pwede mo ba ako tawagan? Dennis Padilla ‘to.”

“So siguro, after 45 minutes, tumawag naman. Tapos may niliwanag lang ako sa kanya. Sabi ko lang ano, ‘Anak ko yan eh kaya pinapaalala ko lang na anak ko si Julia Barretto,” dagdag ng komedyante.

Nang tanungin ni Abunda si Padilla sa mensaheng nais iparating kay Anderson, heto ang kaniyang isinagot: “Parang nakaapat na text na ako dun, hindi siya sumasagot… Dapat sagutin mo naman ‘yung text ko.”

Pinayuhan niya rin ang Kapamilya star na huwag muna maging active social media at sumagot sa anuman mababasa niyang negatibo o patama.




Sinabi din ng beteranong aktor na nagalit siya sa mga bashers ni Barretto at umabot sa puntong “gusto niya itong puntahan sa bahay at gulpihin”.

Facebook Comments