Payo ni Sen. Padilla kay Sen. Bato na huwag sumuko sakaling arestuhin, kinontra ng Malacañang

Kinontra ng Malacañang ang payo ni Senator Robin Padilla kay Sen. Bato dela Rosa na huwag sumuko sakaling arestuhin siya.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mali at delikado ang paghihikayat na umiwas sa batas dahil hindi puwedeng umiwas sa pananagutan.

Wala aniyang mas mataas sa batas at lahat ay kailangang humarap kapag may bisa at utos ang arrest warrant.

Iginiit naman ng Malacañang na wala pang anumang kumpirmadong warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa.

Hintayin nalang aniya ang opisyal na anunsyo at huwag unahan ang usapin dahil hindi pa rin nagsasapubliko ng anumang warrant.

Facebook Comments