Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga presidential aspirant at personalidad ang ipinayo ni Vice President Leni Robredo sa publiko hinggil sa vote buying.
May mga sumang-ayon naman sa opinyon ng bise presidente kabilang si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Atty. Christian Monsod.
Ayon kay Monsod, hindi naman hinihingi ng publiko ang perang iniaabot ng mga politiko kaya dapat itong tanggapin lalo’t galing naman ito sa taumbayan.
Kasaman sa tumutol si Comelec Spokesperson James Jimenez at si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na tinawag pang iligal at immoral ang pagtanggap ng suhol.
Dapat rin aniya itong isumbong sa pulisya.
Tutol din dito si Ka Leody De Guzman ng Partido Lakas ng Masa pero tanggap ang hindi direktang vote buying gaya ng proyekto, trabaho at ayuda.
Hindi naman nagbago ang pananaw ni presidential aspirant Senator Panfilo Lacson na una nang sinabi na kung tingin ng mga botante sa vote buying ay tanging paraan para makinabang sa mga politiko, mas mahabang panahong pagdurusa ang kapalit nito.
Hindi naman masisisi ni Manila Mayor Isko Moreno ang sinumang tatanggap ng pera dahil sa hirap ng buhay.
Pero naniniwala ito na iboboto pa rin ng mga Pilipino ang napupusuang kandidato.