Umalma ang ibang netizens at Dabawenyos sa bagong mandato ng Davao City Police Office o DCPO kaugnay sa seguridad sa selebrasyon ng Araw ng Dabaw.
Ito’y matapos pinagbawalan ang mga Dabawenyos at mga bisita na magdala ng payong at stuffed toys sa mga aktibidad ng nasabing selebrasyon.
Ayon sa isang netizen na nagkomento sa DXDC 621 RMN Davao Facebook Page na si Edna Prigo, hindi nalang umano siya dadalo sa Parada Dabawenyo ngayong March 18 dahil nakaugalian na nitong magdala ng payong panangga sa init o ulan.
Una nang sinabi ni DCPO Spokesperson Police Major Catherine Dela Rey na nadagdagan ang mga gamit na bawal dalhin sa mga aktibidad dahil aniya posible umanong gamitin ang matulis na parte ng payong at lagyan ng improvised explosive device ang stuffed toys para sa pagbulabog ng seguridad sa Araw ng Dabaw.
Kahapon opisyal nang na-deploy ang 11, 000 security personnel at ngayong hapon naman ay opisyal na bubuksan ang 86th Araw ng Dabaw matapos ang dalawang taon na hindi nakapagsagawa ng mga aktibdidad dahil sa COVID-19 pandemic.