Payong-payong driver tiklo sa buy bust operation

*Tiklo ang isang 25 anyos na lalake matapos na mahuli sa ikinasang drug buy bust operation ng PP2 sa pangunguna ni PCI Efren Salazar kaninang 3:30 ng hapon sa purok 5 barangay RH-9 o sa diversion road Cot.city.*
*Kinilala ang nahuling suspect nasi Daton Sumagka payong payong driver na residente ng nasabing lugar na nakuhanan ng siyam na sachet ng shabu, 700 pesos na pera at 500 peso marked money bill…Ayon sa report, matagal na umanong minomonitor ng kapulisan ang galaw ng suspect dahil sa pagtutulak ng droga.*
*Kayat ikinasa ang buy bust na nagresulta sa pagkahuli ng suspect matapos ang test buy sa kanya ng isang asset ng city drug enforcement unit…Siyay nakapiit na ang nakatakdang sampahan ng kaso ng paglabag sa RA-9165. *

Facebook Comments