Payout ng SAP nagsimula na sa Maguindanao

Abot sa 145, 871 ang target beneficiaries ng Social Amelioration Program (SAP) sa buong Maguindanao.

Ngunit sa naging panayam kay Department of Social Wefare and Development-DSWD-Maguindanao Head Emma Ali, sa naturang bilang ay tanging 119, 869 na mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at 26, 302 na non-P4s Beneficiaries.

Abot na rin sa 16 na mga bayan sa 36 na munisipyo sa lalawigan ang nabahagian ng ng financial assistance sa ilalim ng SAP kung saan naunang nabigyan ang mga benepisyaryo ng 4Ps.


Sinabi pa ni Ali na malaking hamon sa DSWD-Maguindanao ang kawalan ng cash cards ng mga 4Ps beneficiaries kung saan diretso na sana ang kanilang matatanggap na benipisyo kaya naman kinakailangang mano-mano ang pagsasagawa ng payouts sa mga kabayanan.

Inihayag pa ni Ali na 178, 994 lamang ang slot na ibinigay ng central office para sa SAP sa lalawigan.

Subalit sa halaga ng pera na ibinigay ng central office sa DSWD-Maguidnanao sa lamang sila bumabase kaya abot lang sa 145, 871 ang kanilang target kasama na ang 4Ps beneificiaries na 119, 869 paliwanag ni Ali.

Magpapatuloy ang pay-out ng SAP sa buong Maguindanao hanggang May 11 2020.(Daisy Mangod)

MSSD BARMM PIC

Facebook Comments