Payout ng SAP sa Cotabato City sisimulan na!

Magsisimula na bukas, Miyerkules, April 29 ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa isalalim ng ng Social Amelioration Program (SAP) dito sa Cotabato City.

Ayon kay City Social Welfare Officer Cherry Viloria, makakasama nila ang kapulisan, militar, barangay officials, LGU at ang Department of Social Welfare and Development-12 sa isasagawang distribution.

Bukas ay 9 na mga barangay ay uunahing bibigyan ng financial assistance, ang Tamontaka at Kalanganan areas.


Siniguro naman ni Viloria na sa tulong ng security forces ay maipapatupad ang ECQ protocols sa pamamahagi ng ayuda.

Sinabi pa ni Viloria na mayroong proseso na susundin sa distribusyon, una ay ang verefication ng pangalan ng mga benepisyaryo sa master list, ang makakapasok lamang sa distribution center ang yaon lamang may hawak na tunay o opisyal na SAP card.

Matapos na ma-verefy na talagang kasama sa payroll ang isang indibidwal ay agad na itong tutuloy sa payout kung saan mayroon namang photo documentation.
Kung may issues at concern o reklamo ang sino man ay maroon ding help desk na ilalagay ayon pa kay Viloria.

Upang maiwasan ang pagkumpol-kumpol ng mga tao, hinihiling ni Viloria sa mga benepisyaryo na tsaka na lamang pumunta sa distribution center kung ang kanilang purok na ang susunod na babahagian ng financial assistance.

May paalala naman si Viloria sa mga benepisyaryo ng SAP na kukuha ng ayuda.
Huwag kalimutang magdala ng face mask at panatilihin ang social distancing, sa mga manggagaling naman sa malalayong lugar ay magdala ng payong,(Daisy Mangod)
Google Pic

Facebook Comments