PBA | 43rd Season, tuloy na tuloy na!

Manila, Philippines – Sa kabila ng sigalot dahil sa kontrobersiyal na trade ng San Miguel Beer at Kia Picanto, magbubukas pa rin sa Linggo, December 17 ang ika-apatnaput-tatlong season ng Philippine Basketball Association (PBA).

Nagkasundo kasi mga gobernador at mga team representative na isang tabi muna ang gusot sa pagitan ng pitong koponan na nais patalsikin si Chito Narvasa bilang PBA commissioner kontra naman sa limang team na nais i-extend ang kaniyang termino.

Ayon kay outgoing PBA Chairman Mikee Romero ng Global Port, nais ng board of governors na basketball na muna ang pag-usapan sa ngayon.


Maghaharap ang defending champion San Miguel Beer kontra Phoenix Fuel Masters sa opening day sa big dome.

Facebook Comments