Naitabla na ng Alaska Aces sa 2-2 ang kanilang serye kontra Magnolia Hotshots sa PBA Governor’s Cup Finals.
Nanalo ang Aces sa score na 90-76 at naging bida sa panalo sina Mike Harris na may 34-points at Chris Banchero na may 17-points.
Naging physical ang laro kung saan binigyan ng low blow ni Mark Barroca ng Hotshots si Banchero pero aminado ang Alaska guard na inaasahan na niyang magiging ganito ang laban lalo na at kapwa nilang gustong makuha ang kampeonato.
Samantala, nasungkit naman ni Paul Lee ng Magnolia ang Best Player of the Conference Award sa Governor’s Cup.
Nahigitan nito sina Banchero ng Alaska, Christian Standhardinger ng San Miguel, Stanley Pringle ng NorthPort at Japeth Aguilar ng Ginebra.
Facebook Comments