PBA | Alaska Aces, nakakuha na ng kanilang import para sa PBA commissioners cup

Manila, Philippines – Nakakuha na ng import ang Alaska Aces na kanilang ipaparada sa nalalapit na PBA commissioners cup.

Siguradong aabangan daw ng mga fans ang import na si Antonio Campbell na first time maglalaro sa PBA.

Inaasahan ni Aces Coach Alex Compton na darating ngayong araw si Campbell na huling naglaro sa NBA G-league pero hindi naman nakuha sa 2017 rookie draft.


Ilan naman sa mga import na makikita sa susunod na conference ay sina Vernon Macklin (Magnolia), Troy Gillinwater (San Miguel), James White (Phoenix), Jeremy Tyler (TnT Katropa), CJ Aiken (Columbian Dyip), Malcolm White (Globalport), Jarrid Famous (Blackwater), Shane Edwards (Barangay Ginebra), Reggie Johnson (Rain or Shine), Arnett Moultrie (NLEX), at dating best import na si Arinze Onuaku sa Meralco.

Facebook Comments