PBA | Alaska Aces, target na makuha ang pang-pitong panalo kontra NLEX Road Warrior

Manila, Philippines – Target ng Alaska Aces na makuha ang kanilang pang-pitong sunod na panalo kontra NLEX Road Warrior sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay para sa tsansang makalapit ang Aces sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive.

Magtutuos ang Aces at Road Warriors mamayang alas-7 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.


Muling aasahan ng Aces sina import Antonio Campbell, Jvee Casio, Sonny Thoss, Chris Banchero at Kevin Racal.

Habang ipaparada naman ng Road Warriors si Mark Tallo para punan ang binakanteng posisyon nina Kiefer Ravena at Kevin alas sa kanilang backcourt.

Facebook Comments