PBA | Alaska, Rain or Shine wagi sa Antipolo

Manila, Philippines – Winakasan ng Alask Aces ang unbeaten run ng TNT Katropa matapos maitala ang 110-100 na panalo kagabi sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Umiskor ng 29 points at 12 rebounds si Vic Manuel para dalhin sa ikatlong sunod na panalo ang Aces matapos silang masilat nung opening game.

May 18 points naman si Jayson Castro para sa Talk ‘N Text na natalo sa unang pagkakataon sa apat na laro.


Sa second game, kumamada ng eight points si Raymond Almazan sa overtime para buhatin ang Rain or Shine Elasto Painters sa 123-119 na panalo kontra defending champion San Miguel Beermen.

Facebook Comments