PBA | Andray Blatche, magbabalik Pinas sa Hunyo para samahan sa praktis ang Gilas Pilipinas

Manila, Philippines – Darating sa bansa sa Hunyo ang Filipino naturalized player na si Andray Blatche.

Sasamahan ni Blatche ang Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa 2019 World Cup na gaganapin sa China.

Unang makakaharap ng Gilas ang Chinese Taipei sa June 29 habang sa July 2, gaganapin sa Pilipinas ang laban nila kontra Australia.


Dahil sa 3-1 win/loss record ng Gilas, tiyak na ang pagpasok nila sa next round para labanan ang top three team mula sa Iran, Qatar, Kazakhstan at Iraq.

Facebook Comments