PBA | Barangay Ginebra, muling nakipag-trade ng isang player

Manila, Philippines – Matapos kunin sa Phoenix Fuel Masters si Jeff Chan kapalit ng 2018 first round pick, muli na naman nakipag-trade ng player ang Barangay Ginebra.

Kinuha ng Ginkings si Julian Sargent sa GlobalPort Batang Pier kapalit ni Paolo Taha.

Ang nasabing hakbang ng Ginebra ay para palakasin pa ang kanilang line-up sa PBA Commissioners Cup.


Umaasa si Coach Tim Cone na malaki ang maitutulong ni Sargent sa kanilang team na kasalukuyang nasa pang-limang pwesto sa team standing na may 4-4 win/loss record.

Facebook Comments