Manila, Philippines – Nasungkit ng Barangay Ginebra ang kanilang ika-apat na sunod na panalo laban sa Alaska Aces sa 2018 PBA Commissioners Cup.
Tinambakan ng Gin Kings ang Aces sa score na 105-86 kung saan nanguna sa panalo si Justin Brownlee na may 28-points, 9-rebounds at 8-assist
Dahil dito, mayroon ng 5-5 win/loss record ang Ginebra na nasa pang-anim na puwesto kasama ang GlobalPort.
Mayroon namang 7-3 win/loss record ang Aces na nasa pangalawang puwesto kapantay ang TNT KaTropa.
Facebook Comments