PBA | Barangay Ginebra, pinaghahandaan ang pagresbak ng San Miguel Beermen

Manila, Philippines – Sisikapin ng Barangay Ginebra na madepensahan ngayong araw ang kanilang pangungunguna sa best of seven championship ng PBA Commissioner’s Cup Finals.

Nakuha ng Ginebra ang unang panalo matapos pataubin ang two-time grand slam champion na San Miguel Beermen sa kanilang game 1 sa iskor na 127-99.

Ayon kay Ginebra Coach Tim Cone, inaasahang reresbak ang Beermen sa kanilang game two kaya hindi nila hahayaang madungisan ang kanilang bentahe.


Target ng Gin Kings ang 2-0 record sa pagsagupa sa Beermen sa game two ngayong alas-6:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Facebook Comments