PBA | Barangay Ginebra, tinambakan ang Columbian Dyip; 134-107

Manila, Philippines – Tinambakan ng Barangay Ginebra ang Columbian Dyip sa kanilang naging laban kagabi sa 2018 PBA Commissioners Cup.

Tinalo ng Gin Kings ang Dyip sa score na 134-107 kung saan nanguna sa panalo ang kanilang import na si Justin Brownlee na may 24-points at 10-rebounds.

Dahil sa panalo, gumanda ang record ng Ginebra na may apat na panalo at limang talo habang nasa pang-anim na pwesto na sila sa team standings.


Sunod na makakalaban ng Gin King ang Alaska Aces sa Linggo, June 24 alas-6:45 ng gabi sa The Big Dome.

Facebook Comments