PBA | Barangay Ginebra, tinambakan ang San Miguel Beermen sa game 4

Manila, Philippines – Naitabla na ng Barangay Ginebra ang best of seven finals nila ng San Miguel Beermen sa 2-2.

Tinalo ng Gin Kings ang Beermen sa score na 130-100 kung saan bumida sa panalo ang best import of the conference na si Justin Brownlee na may 37-points at 11-rebounds.

Samantala, nasungkit naman ni Beermen June Mar Fajardo ang kaniyang ika-pitong best player of the conference award sa PBA kung saan miyembro na din siya ng 5000th Point Club.
Nanguna si Fajardo sa ibang mga players tulad nina Vic Manuel ng Alaska, Chris Newsome ng Meralco, Stanley Pringle at Sean Anthony ng GlobalPort.


Facebook Comments