PBA | Barangay Ginebra, tinambakan ang San Miguel Beermen

Manila, Philippines – Hindi pinaporma ng Barangay Ginebra ang San Miguel Beermen sa kanilang game 1 sa finals ng PBA Commissioners Cup.

Tinambakan ng Gin Kings ang Beermen sa score na 127-99 para makuha ang unang panalo sa kanilang best of seven finals series.

Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na may 42-points habang mayroong 20-points si Joe Devance at tig-11 points naman sina Mark Caguioa at Greg Slaughter.


Hindi naman magiging kumpiyansa si Ginebra Coach Tim Cone at kaniyang sinabi na mas pagbubutihin pa nila sa susunod na laro lalo na at may kakahayan ang San Miguel na makabawi sa pagkatalo.

Facebook Comments