PBA | Barangay Ginebra, wagi kontra Blackwater Elite; NLEX, hindi rin pinalampas ang Phoenix

Manila, Philippines – Nakuha ng Barangay Ginebra ang kanilang unang panalo kontra Blackwater Elite sa iskor na 105-91 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Ayon kay Ginebra Coach Tim Cone, naging maganda ang kaniyang line up kaya gumana ang bawat play na kanilang ipinatupad.

Bumida mula sa Ginkings si Kevin Ferrer na nakakuha ng 21 points habang 18 points naman si Charles Garcia.


Samantala, napunta naman sa NLEX ang panalo sa overtime na laro kontra Phoenix Fuel Master sa iskor na 120-115.

Pinangunahan ni import Arnett Moultrie ang NLEX na nakapagtala ng 37 points, 17 rebounds at walong assists.

Sinegundahan naman ito ng 16 points ni Jr Quinahan at 13 points mula kay Alex Mallari.

Bagamat kunteto si NLEX Coach Yeng Guiao, bahagyang nadismaya naman ito dahil kinailangan pang mag-overtime ang kanilang laro.

Facebook Comments