PBA | Barangay Ginebra, wagi kontra Rain or Shine, 100-92

Manila, Philippines – Inabot pa ng tatlong overtime ang Barangay Ginebra para tuluyan nang makuha ang panalo kontra Rain Or Shine Elasto Painters, 100-92.

Ang nasabing 3 overtime ay siyang pang-12 sa kasaysayan ng PBA.

Dahil dito, sureball na ang pwesto ng Gins sa quarterfinals sa kabila ng pagiging pilay ng koponan dahil sa mga injured player nila na sina Joe Devance, Sol Mercado at Greg Slaughter.


Pinangunahan ni Japeth Aguilar ang panalo sa kanyang 30 points, 17 rebounds at limang assists habang 20 points naman ang naiambag ni Tenorio.

Samantala, sa iba pang laro, bigo ang Global Port Batang Pier kontra sa Phoenix Fuel Masters sa iskor na 104-100.

Nakapagtala pa ng season high na 32 points si Matthew Wright ng Phoenix sa laban.

Facebook Comments