PBA | Beermen, may ipapatupad na adjustment sa 2nd game

Manila, Philippines – Matapos na matalo pinayuhan na lamang ni San Miguel Beermen Coach Leo Austria ang kaniyang mga players na mag-move on.

Nabatid na tinambakan ang Beermen ng Barangay Ginebra 127-99 sa first game ng kanilang best of seven finals ng PBA Commissioner’s Cup.

Ayon kay Austria, na hindi maikakaila na labis silang napahiya sa ginawang pagtambak sa kanila ng Gins.


Hindi ito ang nais niyang makita na resulta lalo na at nasa finals na sila.

Aminado ito na tila namaliit nila ang Ginebra dahil sa naging maganda ang kanilang ipinamalas na laro mula quarterfinals at semifinals.

Tiniyak nito na may malaking adjustments itong ipapatupad sa second game.

Facebook Comments