Manila, Philippines – Pasok na sa quarterfinals ng 2018 PBA Governors’ Cup ang San Miguel Beermen matapos pataubin ang Rain or Shine sa iskor na 109-97 sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna kagabi.
Nakasama sa playoffs ang Beermen sa kanilang record na 6-4 kasabay ng pagbabalik ni big man June Mar Fajardo matapos ang dalawang buwang pagpapahinga dahil sa shin injury.
Samantala, sumipa naman ng 22 points at 18 rebound si Christian Standhardinger habang may 28 markers si import Kevin Murphy.
Umiskor naman ng 24 points si Alex Cabagnot.
Nanguna naman sa laglag na Elasto Painters si Maverick Ahanmisi na tumipa ng 26 points.
Facebook Comments