PBA | Blackwater shooting guard Paul Zamar, opisyal nang nakatungtong sa PBA court

Manila, Philippines – “Ang tagal kong hinintay ‘to”, ito ang sinabi ni Blackwater shooting guard Paul Zamar sa kaniyang PBA debut, apat na taon matapos itong mapabilang sa draft ng Barangay Ginebra, ngunit hindi naman nagkapirmahan.

Ayon kay Zamar, wala siyang planong maghiganti sa Ginebra, at nagkataon lamang na Ginebra ang kanilang katapat sa unang beses niyang paglalaro.

Masaya lamang siya na nakapaglaro na siya sa PBA.


Sa katunayan, winelcome pa siya ng Ginebra player na si Mark Caguioa noong pagtungtong nito sa court.

Kahit na talo ang Blackwater Elite sa Ginebra King sa score na 105-91, nakapagambag naman ng 15 points, 4 triples at 6 na rebounds si Zamar sa 21 minuto nitong paglalaro.

Facebook Comments