PBA Bubble, posibleng itayo sa Dubai

37

Nakikipag-usap na ang Philippine Basketball Association (PBA) para sa posibleng pagpapatayo ng PBA Bubble sa Coca-Cola Arena sa Dubai.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nagkausap na sila ni Coca-Cola Arena Commercial Director Mark Jan Kar kung saan nagpahayag ito ng kagustuhan na magtayo ng PBA Bubble sa Dubai.

Pero paglilinaw ni Marcial, ang lahat ng mga ito ay pag-usap pa lamang.

Maliban sa Dubai, ikinokonsidera rin na pagtayuan ng PBA Bubble ang Laguna, Batangas, Subic at ang Smart Araneta Coliseum.

Facebook Comments