PBA, bukas sa paglalaro ng Gilas sa PBA Governor’s Cup

Welcome sa Philippine Basketball Association (PBA) na maglaro ang Gilas Pilipinas sa darating na 2021 Governor’s Cup.

Ayon kay PBA Chairman Ricky Vargas, aaprubahan agad nila sakaling maisipan ng Gilas na makilahok bilang guest team sa 2021 Governor’s Cup na magsisimula sa Nobyembre 28 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Aniya, nakasali sana ang national’s team sa nakaraang PBA Philippine Cup semi-bubble sa Pampanga pero hindi ito natuloy dahil sa COVID-19 pandemic.


Sa ngayon, patuloy na pinaghahandaan ng Gilas sa 2022 ang FIBA World Cup, 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam at ang Asian Games sa Hangzhou, China.

Facebook Comments