Manila, Philippines – Aminado si Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes na patuloy pa din niyang inaantay ang tinaguriang “The Beast” ng PBA na si Calvin Abueva.
Nabatid kasi na matapos ang 2018 PBA All-Star Game ay hindi na nagpakita pa si Abueva sa Gilas Pool maging sa mother team nito na Alaska Aces.
Hindi din ito nakapag-laro sa laban ng Alaska noong Sabado at absent din sa mga team practices.
Magkaganoon pa man, sinabi ni Reyes na nananatili pa din si Abueva sa Gilas pool maging ang ibang players na hindi pa din sumisipot sa practice ng national team.
Facebook Comments