PBA | Calvin Abueva – naitrade na ng Alaska sa Phoenix

364

Manila, Philippines – Lilipat na sa Phoenix Fuel Masters si forward Calvin Abueva matapos siyang i-trade ng Alaska Aces para sa 2019 first-round draft pick.

Nabatid na kasama rin sa trade package si Karl Dehesa.

Matatandaang sinuspinde ng Aces si Abueva nitong 2018 Commissioner’s cup dahil sa mahigit isang linggong pagliban nang walang paalam.

Na-draft ng Alaska si Abueva noong 2012 kung saan ito ang no. 2 pick kasunod ni June Mar Fajardo ng San Miguel Beermen.

Pinasalamatan naman ng Alaska si Abueva para sa anim na taon nitong serbisyo sa koponan.

Facebook Comments