PBA | Calvin “The Beast” Abueva pinakawalan na ng Alaska Aces

141

Manila, Philippines – Natapos na rin ang masalimuot na relasyon ng Alaska Aces at ang pambatong player nito na si Calvin Abueva.

Ipinamigay na kasi ng Alaska ang tinaguriang “The Beast” sa Phoenix Fuel Masters kapalit ni Guard Karl Dehesa at 2019 first round draft pick.

Pinasalamatan ni Aces’ Coach Alex Compton si Abueva sa lahat ng nagawa nito sa koponan sa nakalipas na anim na taon.

Sinabi rin nito makakabuti kay Abueva na magkaroon ng pagkakataon makapagsimulang muli kasama ang panibagong team sa PBA.

Maaalalang nabigyan ng indefinite suspension ng Alaska management si Abueva dahil nag-AWOL ito noong Mayo.

Facebook Comments