PBA | Chris Banchero ng Alaska Aces, pinagmulta

Hindi nakaligtas si Alaska Aces guard Chris Banchero sa multa matapos nitong sikuhin sa mukha si Ian Sangalang ng Magnolia Hotshots noong game-5 ng 2018 PBA Governor’s Cup Finals.

Aabot sa P20,000 ang babayaran ni Banchero kung saan pinag-aralan ng liga ang post-game review at dito na nakita na sinadya nitong sikuhin si Sangalang sa natitirang dalawang minuto ng laro.

Umaasa naman ang buong management ng Alaska na hindi masusupindi si Banchero dahil kakailanganin nila ito sa susunod na laro.


Sa ngayon, lamang ang Magnolia sa serye sa 3-2 standing at ang game-6 ay gaganapin bukas, (Miyerkules) sa Ynares Center sa Antipolo City.

Facebook Comments