PBA | Colombian Dyip, nakabawi sa laro kontra Rain or Shine

Manila, Philippines – Bumawi ang Columbian Dyip sa naging laban nito kontra Rain Or Shine Elasto Painters sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa MOA arena kahapon.

Sa iskor nilang 104-96, pinangunahan ng kanilang import na si John Fields ang laro sa kanyang 34 points habang mayroong 23 points naman ay mula kay Rashawn Mccarthy.

Ayon kay Dyip Coach Ricky Dandan naging matagumpay ang kanilang paghihirap at nakabawi sa nakaraang pagkatalo.


Magugunitang nagmula ang Columbian sa 103-134 na kabiguan sa Alaska.

Facebook Comments