PBA Commissioner Chito Narvasa, nagpaliwanag kung saan napupunta ang mga ibinabayad na penalty ng mga players

*Sports – Sinagot ni PBA Commissioner Chito Narvasa ang mga tanong kung saan ba napupunta ang multang ibinabayad ng mga PBA players.*

Paliwanag ni Commissioner Narvassa – napupunta ang mga penalty fee sa kanilang trust fund.

Sinabi pa ni Narvasa na ang mga retiradong miyembrong naglaro sa liga na hindi bababa sa dalawang season ay pwedeng mag-avail ng pang-tuition para sa kanilang kaanak sa high school na aabot sa 35,000 pesos at college na may 50,000 pesos.


Magagamit din raw ang trust fund sa pagpasok sa grad school pagkatapos ng kanilang playing career.

Facebook Comments