PBA Commissioner Willie Marcial, nilinaw na mananatili sa liga ang Rain or Shine

Nilinaw ni PBA Commissioner Willie Marcial na mananatili sa liga ang Rain or Shine Elasto Painters.

Ito ay kasunod ng kumakalat na isyu kaugnay sa pagbebenta ng koponan sa kanilang prangkisa at ang pagkakawatak-watak ng kanilang mga manlalaro.

Ayon kay Marcial, personal siyang tinawagan at kinausap ng may-ari ng koponan na si Raymond Yu at sinabing hindi sila aalis sa PBA.


Sinabi rin ni Yu na fake news ang kumakalat na balita kaugnay sa kanilang pag-alis kaya’t hindi dapat ito paniwalaan ni Marcial.

Facebook Comments